Tagalog

Dr. Leos Streda siya ay Doctor ng Medicina ng Bansang Republika ng Tsek, Pamantasan Professor sa Praga. Tseko: Leoš Středa, ipinanganak Julyo 5, 1963 sa Prague, Czech Republic, Europa .

Nag aral ng medisina noong 1987 at nagtapos sa Medical Faculty ng Charles University. Ang kanyang pangunahing medicina ay dietology at cosmetology. Siya rin ang tagapagtatag ng Institute of Medical Regeneration and Cosmetics. Sa loob ng ilang taon nagkaroon ito ng sangay sa ibat ibang bahagi ng mundo. Instituto Medico de Regeneration y Cosmeticos ng Canary Island sa Spanya, Company of Dr. Streda Regeneration and Medical Industries sa Canada, bahagi din ng Institute of Medical Regeneration and Cosmetics sa Czech, Germany, Slovakia, at sa Russia, Company of Dr. Streda-Middle East for Activities sa Syria, Clinic in United Arab Emirates, Streda-life A.O. sa Dnepropetrovsk, Ukraine, Parmaceutical Representative sa Lebanon, MUDr. Streda Clinic Limited sa Kenya, Dr. Streda Clinic as Co. Ltd. sa Phuket Thailand, Dealership sa Lincoln New Zealand, Research laboratories of Dr. Streda’s Institute of Healthy Nutrition in the Philippines.

Noong 2000 siya ay umalis sa negosyo at komersyal na gamot at ibinenta ang kompanya. Siya ay isang tagapananaliksik sa First Medical Faculty of Charles university ng Prague. Isa rin siyang lecturere ng Faculty of Education sa parehong unibersidad. Siya rin ay sumulat ng libro ukol sa pagbabawas ng labis na katabaan pinamagatan itong „University of Slimming“ . Ang kanyang sariling tv show na pinamagatang „The Healthy life Style“ na ipinagbabalita sa pamamagitan ng ilang mga Europeang TV Station. Siya rin ay kilala bilang VIP Czech doctor.

Siya rin ay promotor ng Pilipinas at Rizalismo sa Europa, at ganun pa man siya ay isang miembro ng Knights of Rizal nuong 2008. Ang kanyang paaralang Dr. Streda College ng Praha ay nagbibigay din ng libreng pag-aaral para sa mga mag-aaral mula sa Pilipinas. Ang mag-aaral ng paaralang ito ay mag aral ng mga detalye tungkol sa kalusugan at panlipunang sektor. Ang pagsasanay ng wika ay isinasagawa bago pa umalis patungong Europa na sama-samang binuo ng Embahada ng Republika ng Tsek sa Pilipinas. Si Dr. Středa ay sumusulat din ng mga librong úkol sa medisina. Isa sa mga librong ito ay Obesity and Diets na inilathala sa Pilipinas noong 2011. Sumulat din siya ng medikal na talambuhay ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal at Aklat-aralin ng Tsek prasiyolohiya at realia para sa Pilipino.